Sunday, August 26, 2007

Sandalan

Kung ikaw ay nasaktan,
Lumuha at iyakan
Ang pait na natikman.
Gawin iyong sandalan
Ating pag-iibigan
Sing tatag ng kawayan.
Ika'y aking duduyan,
Kamay ay hahawakan,
Bibig ay hahalikan.
Puso ay iyong buksan
Para iyong malaman
Na di kita iiwan.

Baryang Nilamon sa Bayang Inalipusta

Sino ba ang sasaya
Sa bayan ng pabaya?
Kinain ng buwaya
Ang munti kong kinaya;
Nilamon pati barya.
Katulad din ng maya
Nais ko rin lumaya!
Kahit buhay ang taya
Lalaban hanggang kaya!

Pag-ibig na Guryon, Pag-ibig na Natapon

Mayroon akong guryon
Na lumipad sa nayon.
Hindi ako sang-ayon
Sa 'yong naging desisyon.
Hindi sana hinamon
Pag-ibig na natapon!

Wednesday, August 08, 2007

Paglalandian sa Chess Plaza

Mata ay nagtagpuan
Kamay ay naghawakan
Sa baba ng upuan
Labi ay nagsalpukan
Uminit ang katawan
Sumasabog na bulkan
Sing tamis ng unang buwan
Kanilang paglambingan
Sa lalim ng ibigan
Hadlang lang kamatayan
Tuloy ang kasiyahan
Kahit titig ang bayan
Bigla ay tinigilan
Nang pulis ay dumaan
Sing bilis ng amihan
Natapos ang ambahan

At Ako'y Nalunod

Ayaw kong magpakita kahit kanino pati sa iyo. Nahihiya ako sa aking dinatnan. Natatakot ako sa maaaring magawa mo sa akin at pati kay Loloy. Di ko ninais na mangyari ang nangyari. Hindi rin naman ako makapalag, umayaw at tigilin ang mga pangyayari.

Marahil ay nagsabi o nagsulat na sa iyo si Loloy ukol sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa iyo. Ngunit, aking batid na maaari niyang baguhin ang pangyayari sa pamamagitan ng pagsabi ng kwento ayon sa kanyang perspektibo. Nauunawan ko na takot siya sa iyong magiging reaksyon. Kaya naman ibig ka niyang suyuin, kunin ang iyong sentimento at palabasing ako ang mas makasalanan. Ako man ay nakakaramdam ng pagkasala.

Matalik mong kaibigan si Loloy at maging sa akin hindi na siya ibang tao. Tinuturing ko siyang isang kaibigan at kapatid. Alam ko ang kanyang pagiging malapit sa mga babae. Ibig ko pa siyang makilala dahil ang kanyang pagiging malapit sa mga kababaihan ay kumikiliti sa aking imahinasyon.

Kahit kailan, Kuya, ay hindi pa ako inibig ng kahit sinong lalaki. Ngunit, ako naman ay nakadama na ng pagsinta. Nahihiya kasi ang mga lalaki sa akin. Ewan ko ba. Hindi ko naman sila kakainin. Mayroon akong napupusuang lalaki ngunit hindi ko masabi sa kanya ang aking nararamdaman. O, bakit kasi ganyan ang ating lipunan? Bakit kasi lalaki lamang ang pwede manligaw, magtapat ng pagsinta nang walang pag-aalinlangan? Bakit kay manhid nila sa akin? Para bang ako ay bula sa kanilang paningin.

Mayroon akong ipagtatapat. Mayroon akong gusto sa isang lalaki. Isa po siya sa iyong mga kaibigan. Matagal na akong may pagtingin sa kanyang. Sa tuwing bumibisita siya ay kinikilig ako. Parang binabalot ng galak ang buo kong pagkatao. Sa gabi naman ay napapanigipan ko siya at ako’y, ako’y.... Ngunit sawi ako sa lahat ng tao, dahil hindi ko maibalik sa kanya ang ligaya na ibinigay niya sa akin. Sa mga pagkakataon na nakakaramdam ako ng lungkot dulot ng masakit na ligayang ito, nagbabasa ako ng mga tula ng kasawian. Ang aking paborito ay ang ”Naunsyaming Pag-asa” ni Leona Florentino.

Dumalo sa ating tahanan si Loloy. Naka-upo siya sa sala at nagbabasa. Nakita ko siya mula sa hagdan. Ako’y nagpaganda at nag-ayos. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman kinamusta ko na lang si Sonia sa kanya. Agaran siyang tumayo at nilikuran ako. Hindi ako makapalag. Hindi rin niya sinagot ang tanong ko. Agad kong nilayo ang aking sarili. Siya ay napa-upo at bumalik sa kanyang pagbabasa. Makalipas ang ilang sandali ay tinabihan ko siya at tinanong: ”Loloy, nakaramdam ka na ba ng tunay na pag-ibig?” Nagtitigan kami. Nagsalaysay ako ng maraming kwento ng pananabik na hinabi ko mula sa sakit na dulot ng sugat sa puso at ang paghihirap dahil sa naglahong pag-asa. Sa pag-uusap namin na iyon ay muli akong nabuhayan ng pag-asa. Niyakap niya ako ngunit naging bastos ang kanyang mga kamay. Inalis ko ang kanyang mga kamay at umakyat papuntang kwarto.

Isang umaga ay dumayo uli si Loloy. Nagwawalis ako nang tanungin niya kung nasaan ka. Galit ang aking tinig nang sinabi ko sa kanya ”Ewan, di ko alam!” Nagulantang siya at tila nagtataka. Tinanong niya kung galit ako sa kanya. Tinignan ko siya nang masama at tumakbo paakyat ng bahay. Sinundan niya ako.

”Galit ka ba? Pepita, ” tanong ni Loloy sa akin. Ayokong sumagot. Pinilit niya akong sagutin ang tanong niya.

Tumingala ako kay Loloy, tumitig sa kanyang mga mata at sumagot: ”Oo. Galit ako sa iyo, Loloy, galit! Kung marunong ka sanang umunawa. Minamahal kita, ngunit di mo ako iniibig. Ang iniibig mo lamang ang katawan ko! Hindi ba ako kapantay nina Sonia, Ester, Fe, Prospera at Risa sa ganda at talino? O baka naman katawan lang din ang nakita mo sa kanila!? Sino ka ba na ayaw umibig sa akin? May araw din na ikaw ang magagalit at maiingit sa akin. Magsisisi ka!”

Kami lang ni Loloy ang nasa loob ng bahay.

Isang bagyo ang sumalanta sa aking pagkababae. Gusto kong sumilong at iwasan ang pagkawasak na dala nito. Malakas na hangin ang tumangay sa akin. Tinangay ako hanggang umabot sa himpapawid hanggang sa dagat na walang katapusan. Naipit ako sa gitna nito.

At ako’y nalunod sa karagatan ng pagnanasa.

Friday, October 20, 2006

Currents of Time

Everyday I love you like there's no tomorrow
Sometimes the thought of you brings me to deep sorrow
Other times you would bring hopelessness and despair
But someday I wish that we will become a pair

Put every distraction and foolishness aside
Remove uncertainties and swallow all your pride
I, like a salmon, swims against currents of time
With you like the sun that never ceases to shine

Monday, October 02, 2006

A Slice of La Sallian Life

Yuchengco building is the face of new La Salle. Two buildings from the remote edifice of planet Gox, we passed two mountains.

We arrived at the bustling lobby of our destination. It is “downtown” La Salle. There were people engaging in price canvassing. We were lucky enough to have the best transaction of them all – a raffle. Exhibits flooded the focal point of the joint. Cell phones, laptops and cameras caught our eyes. Like a market was Yuchengco lobby. It was like Divisoria.

With all those gadgets flying in the atmosphere, there was a picture. Its location was diagonal to the comfort rooms. I know many people do not notice it. It was the portrait of Jesus, reminding us that we are in the most holy presence of God.

After visiting “downtown” La Salle, we found ourselves in uptown La Salle. It is amazing to find both “uptown” and “downtown” La Salle in one Yuchengco. Truly, Yuchengco is La Salle’s capital.

An elegant stairs welcomed us. It had no red carpet or flowers thrown over our heads. Instead, it drizzled. A sign it was that God is blessing our alma mater.

A glass door opened and the air-conditioner’s wind came gushing toward us. Inside the museum, we saw paintings of tops by an artist named Modesto. Also collected were paintings by Castillo.

A sculpture caught my attention. A brass man and woman were dancing. The sensuality of the masterpiece made it a center of attraction. What was outstanding about it is that it tells something about humanity.

A portion of the museum was dedicated for cute paintings. They were cute because they were small and large frames covered them. Many paintings were exhibited but I will not mention them all. Hanging on the wall was a painting of a red fetus. Another painting tells about patriotism and nationality. It was the Philippine flag.

Time was running out. The last thing we saw was a chess set. The pieces were made of shells.

Our journey into our own culture gave us fulfillment. We were tired however. But I think our efforts were worth it. After all, we were team number two!